Lacson sasagasaan ng jet ski ang dalawang Tsino sa Binondo

Lacson sasagasaan ng jet ski ang dalawang Tsino sa Binondo

HINIKAYAT ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang publiko kahapon na bungguni ng jet ski ang Chinese beauty product company sa Binondo, Maynila na natagpuan sa label ng isa nilang produkto ang address na “Manila Province of China”.

Ito ay nang hindi rin maiwasan ng senador na maglabas ng kaniyang emosyon sa umano’y tinatawag na pambabastos sa soberenya ng bansa sa pagtaguri sa Maynila na probinsya na ng Tsina.

“Why don’t we gas up our jet ski boats and all together ram that goddam beauty product company which tagged Manila as a province of China,” ayon sa Twitter post ni Lacson.lacson twit

Uumpisahan umano ang pagpapandar ng mga jet si mula Manila Bay hanggang sa estero ng Binondo.

Mas mainam rin umano kung nasa loob ng kanilang mga tindahan ang dalawang Chinese national na nakilalang sina Zhong Xing at Shi Li Li.

“Better if the owners are inside,” dagag pa ni Lacson.

Matatandaan na noong kampanya sa Presidential elections, ginamit rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang jet ski sa isa niyang pahayag na sasakyan niya at magtatanim ng bandila ng Pilipinas sa isa sa mga isla sa Spratlys bilang pagpalag sa pagskop dito ng Tsina.

Noong nakaraang taon, bumalandra rin sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila ang malalaking banner na may nakasaad na “Welcome to Philippines, Pronvice of China”. Hindi naman nadiskubre kung sino ang nasa likod ng pagpapakalat ng naturang mga banner.

Leave a Reply

%d bloggers like this: