Lacson, tinawag na sulsol at sipsip ang mga nagsusulong ng RevGov

Lacson, tinawag na sulsol at sipsip ang mga nagsusulong ng RevGov

INILARAWAN ni Senador Panfilo Lacson na mga sipsip at sulsol na wala sa lugar ang mga sinasabing taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsusulong ng pagtatayo ng revolutionary government.

“‘Yan ang gawin ng mga sipsip na wala sa lugar…Dapat huwag patulan, kasi ito siguro mga nasarapan sa buhay nila dahil di naman sila Presidente kundi tagasuporta. They never had it so good. Gusto nila siguro mag-revolutionary govt para wala nang election. Mga sulsol na wala sa lugar. Ang tawag ng mga karpintero riyan, wala sa hulog,” saad ni Lacson.

Duda rin ang senador na alam ng Pangulo ang isinusulong na revolutionary government.

“Nakita natin pag nagsalita maski in private or small group meetings, pagod na pagod na ang mama (PRRD). Maski nang simula pa lang ito ibabagay ko lang, sabi niya tuwing tatawid siya sa Ilog Pasig naka-barge gusto niya tumalon para huwag na makarating ng Malacanang Palace. Biro niya niyan noon pa earlier on, I think 2016-2017, di niya akalain ganyan kalaki ang problemang haharapin niya,” pahayag pa ni Lacson.

Ikinatuwa naman ni Lacson na hindi pinatulan ni PNP chief Police General Archie Gamboa ang imbitasyon umano para sa pulong sa revolutionary government.

“Mabuti na lang si Gen Gamboa di niya pinatulan. At wala dapat pumatol sa ganyan. Kasi anong dulo niyan, anong tinutumbok nila? Under the administration magtayo ng revolutionary govt? Anong pakay?” diin pa nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: