Mga kaso ng pagpapakamatay, tumataas

Mga kaso ng pagpapakamatay, tumataas

NAALARMA si Justice Secretary Menardo Guevarra sa impormasyon ng pagtaas ng mga kaso ng mga nagpapakamatay sa gitna ng krisis dulot ng COVID 19 pandemic.

Ayon kay Guevarra, ang impormasyon ay batay sa mga ulat na natatanggap ni National Task Force (NTF) COVID-19 Chief Implementor Carlito Galvez Jr.

Dahil dito, umaapela ang kalihim sa mga church at spiritual leaders na mag-alok ng counselling sa mga taong nakararanas ng depresyon.

Aminado si Guevarra na marami ngayon ang nahihirapan dahil sa pagkawala ng trabaho o pagkakakitaan gayundin ang pangamba sa sakit, kalungkutan dahil sa isolation at kawalan ng pag-asang makabalik sa normal na pamumuhay.

“I share Sec. Galvez’s concern and respectfully request our spiritual leaders to bring this much needed message of hope to our suffering countrymen in order to stave off more incidents of self-destruction,” saad ni Guevarra.

Nakipag-ugnayan na rin anya sila sa Catholic Church, Islamic community, Iglesia Ni Cristo at iba pang sekta para sa usapin.

Leave a Reply

%d bloggers like this: