Zubiri, sumagot sa patutsada ng mga kongresista

Zubiri, sumagot sa patutsada ng mga kongresista

BINANATAN ni Senate Majority Leader Migz ang anya’y “unparliamentary” remarks ng ilang kongresista kaugnay sa naging proseso sa approval ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 2.

“I am appalled at the ridiculous statements made by some congressmen saying that we were showboating in aid of reelection when we ratified last Thursday afternoon the Bayanihan 2 measure,” saad ni Zubiri.

Iginiit nito na dapat ay alaming maigi ng mga kongresista ang mga pangyayari sa sesyon ng Senado noong Huwebes kung saan nila niratipikahan ang bicam report sa Bayanihan 2.

“First of all there was no show boating as can be seen in the youtube recorded session that Thursday. The Senators were just congratulating the members of the bicam for a job well done and never did we “scoff at” the Ratified Bill,” diin ng senador.

Kasabay nito, hinamon ni Zubiri ang mga kongresista na ipakita sa kanila ang eksaktong pahayag ng mga senador na nagmamaliit sa Bayanihan 2.

“Please tell us Mr Congressmen in which statement did we say that the bill was never up to Standards?? Pls give show me the exact quote because after the review of the video there were no insinuations made. So get your facts straight before you make any accusations towards me and the institution,” diin ng mambabatas.

Hindi rin matanggap ni Zubiri ang pagtawag sa kanila ng mga kongresista na “pathetic at Schizophrenic” gayung matinding oras at sakripisyo rin ang kanilang ibinuhos upang maaprubahan ang panukala.

Naniniwala pa ang senador na may ilang indibidbwal lamang na gumagawa ng intriga upang sirain din ang samahan ng dalawang kapulungan.

Noong Huwebes, sa pagtalakay ng Bayanihan 2, inihayag ni Senate President Tito Sotto na tumawag sa kanya si Senador Bong Go at sinabing pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na transparent ang magiging paggugol ng pondo na ilalaan sa mga programa sa panukala.

Iginiit naman ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate bicam panel na walang personal na interes na nangibabaw sa pagsusulong ng Bayanihan 2.

Sa puntong ito, sinabi ni Sotto na maaaring ang tinutukoy ni Angara ay ang panig ng Senate panel kung saan naman humirit si Senador Pia Cayetano at sinita ang tila patutsada sa mga kongresista.

Sinabi ni Cayetano na bilang kapatid niya ang House Speaker, hindi niya mapapayagan na magkaroon ng mga patutsada laban sa mga kongresista na nagsikap din para sa interes ng kanilang mga constituents.

Leave a Reply

%d bloggers like this: