Installment payment sa kuryente, tubig, pasok sa Bayanihan 2

Installment payment sa kuryente, tubig, pasok sa Bayanihan 2

INIHAYAG ni Senador Francis Tolentino na nakapaloob sa inaprubahang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ang probisyon para sa installment na bayarin sa kuryente, tubig at telecommunications companies.

Batay sa Bayanihan 2, bibigyan ng 30 araw na palugit ang mga consumer para sa pagbabayad ng mga utility.

Ipinaliwanag ni Tolentino na sa gitna nito ay inaasahang maiipon ang dapat na bayarin ng mga consumer.

Dahil dito, ipinasok niya ang panukala para sa three-gives na sistema sa pagbabayad.

“Andito sa section 4 merong minimum na 30 days grace period after ng ECQ pwedeng ma-delay without interest and penalties tapos pwedeng hulugan nang hindi lalagpas ng 3 buwan ang kanilang bayarin walang interes,” saad ni Tolentino.

Binibigyang-laya naman anya ang mga kumpanya kung nais nilang mag-alok ng mas mahabang panahon para sa installment system.

Leave a Reply

%d bloggers like this: