Mayor Isko may babala sa mga pulis

Mayor Isko may babala sa mga pulis

WALANG tolonggesan sa Maynila.

ITO ang mariing babala ni Manila City Mayor Isko Moreno sa mga pulis na miyembro ng Manila Police District (MPD) na patong o protektor ng mga illegal vendors na tutukuyin at kakasuhan kapag hindi tumigil sa iligal na gawain.

Ginawa ni Moreno ang pagbibigay ng babala sa kaniiyang live broadcast matapos na magkasa ng clearing operations ang Department of Public Service (DPS) sa Juan Luna Street sa Binondo.

ilaya
Photo courtesy of Manila PIO

Tinukoy pa ng alkalde ang isang alyas Bekbek na naririnig niyang patuloy sa pagtanggap ng kotong sa mga vendors para makapagtinda ang mga ito kapag tumatalikod ang mga tauhan ng Manila City Hall.

“Pasensyahan tayo..sinabi ko na sa inyo, sa mga pulis na malalaman ko na patong sa vendor o sa obstruction, dito ko kayo ipakikilala,” ayon kay Moreno.

“Uulitin ko.. magtino kayo. Ang dami nang problema. Ako, naniniwala di yan mage-exist.. alam mo nang bawal, me obstruction, wala kang ginawa? Isang bagay lang ‘yan. Nasa mabuting ‘cash-unduan’ ‘yan at ‘ma-boteng’ usapan. Wala tayong tolonggesan,”dagdag pa ng alkalde.mpd hq

Kabilang sa mga kalsadang hindi ‘negotiable’ sa mga street vendors ang Juan Luna, Soler, buong Recto Avenue sa panig ng Binondo, Carriedo, Paz, A. Linao, Pedro Gil at Taft Avenue.

Leave a Reply

%d bloggers like this: