Suicide ngayong pandemya, tumaas

Suicide ngayong pandemya, tumaas

NAALARMA na maging ang pamahalaan sa tumataas na antas ng suicide sa Pilipinas dahil sa patuloy na pananatili ng COVID-19 kasunod ng kawalan ng trabaho ng marami.

Dahil dito, humihingi ngayon ng tulong ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa simbahan para malabanan ang dumaraming kaso ng pagpapatiwakal o suicide ngayong panahon ng pandemya.

“I share (NTF chief implementor) Sec. (Carlito) Galvez’s concern and respectfully request our spiritual leaders to bring this much-needed message of hope to our suffering countrymen in order to stave off more incidents of self-destruction,” panawagan ni Justice Secretary at Task Force member Menardo Guevarra.

Karaniwang dahilan ng suicide ang kawalan ng marami ng trabaho o pagkakakitaan dahil sa mga paghihigpit, anxiety o pag-aalala ng marami na mahawa ng sakit, lungkot dahil sa pag-iisa ng marami at kawalan ng pag-asa na babalik pa sa normal ang sitwasyon.

Kailangan umano ngayon na magbigay ang simbahan at mga spiritual leaders na magbigay ng payo o gabay sa kanilang mga miyembro para mas maging matibay ngayong panahon ng krisis sa kalusugan at ekonomiya.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ng Task Force na palawigin ang 10 taong limitasyon na itinakda niya sa bawat misa ng mga simbahan habang mas malaking 30% ang ibinigay sa mga negosyo nang muling ibalik ang general community quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: