Laway gagamitin sa COVID test?

Laway gagamitin sa COVID test?

MATAMLAY ang pagtanggap ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng laway sa COVID-19 RT-PCR test kaysa sa pagkuha ng swab sample na pinaka-accurate umano.

“It is still being studied if it’s going to be feasible and acceptable here in our country, on how we are going to make use of it also,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon.

Ito ay makaraan na aprubahan nitong Hunyo ng Japan ang PCR (polymerase chain reaction) test gamit ang laway ng pasyente. Mas ligtas at mas madali umao kasi itong gamitin kaysa sa pagkolekta ng mucus sa likurang bahagi ng ilong kung saan exposed ang medical workers sa virus.

Ayon sa DOH,kasalukuyan silang komukunsulta sa mga medical societies at maging sa mga lokal na pamahalaan upang magsilbing gabay sa pagpapalabas nila ng panuntunan sa tamang paggamit, kabutihan at kakulangan ng mga tests tulad ng PCR, antigen, at rapid antibody.

“We are just trying to finalize based on all of the comments we gathered through our consultation and within the week, we are going to release the omnibus guidelines,” dagdag ni Vergeire.

Sa ilang pag-aaral sa ibang bansa, wala umanong datos kung hanggang kailan tumatagal ang virus sa laway ng tao. Nahihirapan rin ang mga medical worker dahil sa pagiging mabula nito habang natagpuan na may 3 porsyento sa mga tests na gamit ito ay naging inbalido.

Leave a Reply

%d bloggers like this: