Mga pasimuno ng Rev Gov, mga taksil sa bayan

Mga pasimuno ng Rev Gov, mga taksil sa bayan

MGA taksil sa bayan!

Ito ang taguri ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Broderick Pabillo sa mga nagsusulong ng  ‘revolutionary government’ dahil sa tahasang paglabag umano ito sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Sinabi ni Pabillo na, wala namang sapat na dahilan ang mga nagsusulong ng RevGov ngunit isang uri lamang ng pamamaraan para mapanatili sa kapangyarihan ang mga kasalukuyang nakaupo sa puwesto sa pamahalaan.

Hindi rin umano ito napapanahon dahil sa mas kailangang tutukan ng lahat ang kinakaharap na pandemya sa COVID-19 kaysa mga personal na interes.

“Tayo po ay may Konstitusyon at dapat tayo sumunod sa Konstitusyon kaya ang Revolutionary Government na gusto nilang ituon ibig sabihin tanggalin yung Konstitusyon at hindi tama yun,” giit ni Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Nararapat umano na manatili ang ‘check and balances’ at sundin ang isinasaad ng Konstitusyon ukol sa ‘succession of powers’, dagadag pa ng Obispo.

“Kaya yan po ay hindi makatarungan at yan ay immoral na ganyan ang ipagagawa, that is seditious, that is being a traitor to the country…” dagdag pa niya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: