Revilla, pinauwi na ng mga doktor

Revilla, pinauwi na ng mga doktor

BINIGYAN na ng go signal ng mga doktor sa St. Luke’s Medical Center si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na ipagpatuloy ang pagpapagaling sa kanilang tahanan.

Sa Facebook post, sinabi ni Revilla na binigyan na siya ng discharge clearance ng kanyag mga doktor.

“The doctors have cleared me for discharge. I am so excited to go home,” saad ni Revilla.

Isinugod sa pagamutan ang senador makaraang makitaan ng pneumonia matapos na rin itong magpositibo sa COVID 19.

“Hindi pa po tapos ang aking pagpapagaling but they said I am strong and well enough to continue treatment at home,” dagdag ni Revilla.

Matatandaang noong Agosto 9, kinumpirma ni Revilla na positibo siya sa COVID 19 habang negatibo ang kanyang asawa at mga anak.

Pinasalamatan ng mambabatas ang kanyang mga tagasuporta na patuloy na nananalangin para sa kanyang paggaling.

Leave a Reply

%d bloggers like this: