Sulu cops na pumatay sa apat na sundalo, may koneksyon sa suicide bombers

Sulu cops na pumatay sa apat na sundalo, may koneksyon sa suicide bombers

HINIHINALANG may kaugnayan sa dalawang suicide bombers na hinahabol ng mga sundalo ang mga pulis na sangkot sa pagppatay sa apat na Army intelligence officers sa Jolo, Sulu.

Ito ang ipinahiwatig ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command chief Maj. Gen. Corleto Vinluan Jr. kaugnay sa motibo ng pagpatay sa apat na military officer noong June 29.

Sa confrimation hearing ng Commssion on Appointments, tinanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Vinluan hinggil sa mga posibleng motibo sa insidente.

Sa rekord, ang mga military officers ay idineploy ng Joint Intelligence Task Group at Task Force Sulu kasunod ng technical intelligence report hinggil sa posibleng lokasyon ng dalawang babaeng suicide bombers at gumagawa ng suicide vests.

Tinanong din ni Drilon si Vinluan kung may katotohanan ang sinasabing sabwatan ng mga pulis at dalawang suicide bombers.

“Posible ‘yun. Halos magkakamag-anak naman sa Sulu. May mga ASG (Abu Sayyaf Group) na kamag-anak ng pulis and then may MNLF (Moro National Liberation Front) naman na kamag-anak yung pulis, dahil maliit lang naman yung Sulu,” sagot ng opisyal.

Umaasa naman si Senador Panfilo Lacson na mareresolba na ang insidente.

“I would just like to state that I sincerely hope that whatever animosity was created by the unfortunate incident will be limited under your area of jurisdiction and to that particular incident; and would not drive any wedge between the PNP and AFP as institutions. I do hope that your efforts should follow that line,” saad ni Lacson.

Leave a Reply

%d bloggers like this: