COVID sa Pilipinas higit 200K na

COVID sa Pilipinas higit 200K na

PATULOY pa rin ang paglobo ng COVID-19 sa bansa makaraang umakyat na sa 202,361 ang kabuuang kaso sa Pilipinas nang higit sa limang libong bagong kaso ang nadagdag sa talaan ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ng hapon.

Sa Case Bulletin No. 165, nasa 5,277 bagong kaso ang naitala buhat sa pagsusuri ng 95 sa 109 testing laboratories sa buong bansa.

Sa naturang bilang, nasa 3,157 ang mula sa Metro Manila, 403 ang sa Laguna, 304 buhat sa Negros Occidental, 237 sa Rizal at 228 mula sa Cavite.

Kasalukuyan naman na nasa 65,764 ang aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 91.6% ay mga mild cases, 6.3% ang asymptomatic, 0.9% ang severe cases at 1.3% ang critical cases.

May 1,131 na pasyente rin ang gumaling sa sakit kaya umakyat sa 133,460 ang kabuuang bilang ng recoveries habang 99 na pasyente rin ang pumanaw para sa death toll na 3,137.200K

Leave a Reply

%d bloggers like this: