Mga gumaling sa COVID, di pa ligtas na mahawahan muli

Mga gumaling sa COVID, di pa ligtas na mahawahan muli

HINDI dahil gumaling na sa COVID-19 ay hindi na muling mahahawahan ng virus, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon makaraang itala sa Hongkong ang sinasabing “first confirmed case” ng “reinfection” sa buong mundo.

Sinabi ni Vergeire na walang sapat na ebidensya at kulang ang mga datos sa ‘post-infection’ ng mga pasyente kung saan maging ang World Health Organization(WHO) ay wala pa ring sapat na kaalaman ukol sa ‘immunity’ ng mga dating pasyente kahit na nakabuo na ang kanilang katawan ng anti-bodies.

Patuloy naman umano ang DOH na binabantayan ang mga pag-aaral ng mga eksperto hanggang sa magkaroon na ng sapat na mga basehan at detalye ukol dito.

Samantala, kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat at sumunod sa ‘minimum health standards’ ang lahat maging ang mga COVID survivors para hindi dapuan muli ng virus.

Sa Pilipinas, marami na ang naiulat na muling nagpositibo sa COVID ngunit karamihan rin ay sinasabing mga natirang patay na bahagi na lamang ng virus ang natukoy sa kanilang RT-PCR test.

Leave a Reply

%d bloggers like this: