Mga Pilipinong nakaka-isip mag-suicide, lumobo

Mga Pilipinong nakaka-isip mag-suicide, lumobo

PATULOY ang paglala ng depresyon ng mga Pilipino habang tumatagal ang pandemya dulot ng COVID-19 dahilan para makaisip ng pagpapatiwakal ang marami.

Ayon sa Department of Health , patunay nito ang halos 53 suicide calls na natatanggap ng National Center for Mental Health (NCMH) kada araw.

Pinakamataas umano ang natanggap nilang tawag nitong buwan ng Hunyo na umabot sa 1,115. Nag-umpisang tumaas ang bilang ng mga tawag nitong Abril na may 1,104, Mayo na may 1,083, naitala naman sa 1,034 ang suicide calls nitong Hulyo habang ngayong Agosto ay nasa 440 tawag na ang kanilang natatanggap.

Ngunit paglilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi lahat ng tawag ay buhat sa iba’t ibang tao. Marami umano sa kanila ay mga ‘return-caller’ na naghahanap ng payo at makakausap sa kanilang problema.

Umaabot naman sa 9,494 na mga Filipino ang nabigyan ng NCMH ng mental health service dahil sa paglapit sa kanila.

Sa mga Pilipino na nangangailangan ng tulong sa kalusugang-mental, maaaring tumawag sa NCMH crisis numbers na :0917-8998727 at 989-8727.

“Hindi po porke’t tumawag po kayo sa hotline ay luko luko kayo o sira ang ulo. It is okay not to be okay. Mayroon po kayong maaaring kausapin for counselling o kahit makipagkwentuhan. Huwag po kayo magkaroon ng agam-agam kasi meron po kayong puwedeng makausap,” paliwanag pa ni Vergeire.

Leave a Reply

%d bloggers like this: