Mga Senador, tiwalang maayos ang kalagayan ng Pangulo

Mga Senador, tiwalang maayos ang kalagayan ng Pangulo

TIWALA ang mga senador na makarerecover si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang sakit na sinasabing maaaring maging cancer.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Duterte na ang kanyang Barrett’s esophagus condition ay lumalala at maaaring maging Stage 1 cancer.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, tiyak na inaalagaan ang Pangulong kanyang live-in partner na si Honeylet Avanceña na dating nurse.

“He is past 74 years of age. It’s not unusual. I’m sure he will be taken cared of properly knowing the medical background of Honeylet,” saad ni Sotto.

Sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na umaasa siyang maging magiging maayos ang kondisyon ng Pangulo habang iginiit ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na dapats talagang alagaan ang kalusugan ng punong ehekutibo.

Iginiit naman ni Senador Sonny Angara na dapat maging mabuti ang kalagayan ng Pangulo upang mapatakbo nang maayos ang bansa.

“We wish the President good health because the country needs him to be in good shape to face the challenges brought by the COVID-19
(pandemic),” diin ni Angara.

Leave a Reply

%d bloggers like this: