Morales, sinibak sa “humanitarian” na paraan – Sotto

Morales, sinibak sa “humanitarian” na paraan – Sotto

INILARAWAN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na “humanitarian way” ng pagsibak kay Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president and chief executive officer Ricardo Morales ang pag-atas sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbitiw na sa pwesto.

“It’s a humanitarian way of saying ‘you’re fired’,” sabi ni Sotto.

Samantala, aminado si Senador Panfilo “Ping” Lacson na nalulungkot siya para kay Morales na ang kalusugan ay posibleng naapektuhan din ng mga pagdinig.

Umaasa si Lacson na makakarecover sa kanyang sakit si Morales na ngayon ay naka-medical leave dahil sa kanyang lymphoma o cancer of the lymph nodes.

Matatandaang ilang senador na rin ang nanawagan para sa preventive suspension ng mga opisyal ng Philhealth kasama na si Morales upang hindi maimpluwensyahan o mahadlangan ang ginagawa pag-iimbestiga sa mga iregularidad sa ahensya.

Samantala, posibleng sa susunod na linggo ay ilabas na ni Sotto ang report ng Committee of the Whole para sa diskusyon sa plenaryo.

“Our report and findings will most probably coincide with the DOJ’s investigation,” saad ni Sotto.

Leave a Reply

%d bloggers like this: