Digitalization sa Philhealth, inirekomenda

Digitalization sa Philhealth, inirekomenda

ISINUSULONG ni Senador Sonny Angara ang pagpapalakas ng anti-fraud mechanisms ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) bilang bahagi ng hakbangin na sugpuin nag katiwalian sa ahensya.

Sinabi ni Angara na bukod sa pagsasagawa ng special audit sa PhilHealth funds dapat nang solusyunan ang napakahinang anti-fraud mechanisms sa ahensya kaya’t madaling naabuso ang pondo nito.

Panahon na anya upang gawig digital nag record sa Philhealth upang mapadali ang balidasyon ng membership claims katulad ng ginagamit sa pension funds ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

“They (PhilHealth) should likewise look into strengthening their manpower complement by hiring more medical reviewers, anti-fraud officers, data scientists, data analytics personnel, and even experts in artificial intelligence and big data,” diin ni Angara.

Gayunman, iginiit ni Angara na dapat tiyaking ang sistema sa digitization ng Philhealth ay hindi rin mababalot ng anumang iregularidad.

Inirekomenda rin ng senador ang pag-amyenda sa Universal Health Care Act upang maisama ang probisyon sa mandatory audit ng PhilHealth’s finances at ibahagi ang kopya ng annual report sa Congressional Oversight Committee, Senate Committee on Finance at House Committee on Appropriations.

Dapat din anyang magkaroon ng comprehensive review sa implementasyon ng All Case Rates claims payment scheme, kasama na ang re-calculation ng top 32 case rates sa 90 percent ng cases o claims na naihain.

Leave a Reply

%d bloggers like this: