Libreng Hatid at Sundo para sa Taguigeño

Libreng Hatid at Sundo para sa Taguigeño

Public Service Announcement:
From #ILoveTaguig

“Libreng Hatid at Sundo” para sa mga may sakit.

Ang pamahalaang lungsod ng Taguig ay maghahanda ng transport service na handang bumiyahe at tumugon sa transportasyon ng mga pasyenteng nagda-dialysis, may chemotherapy or radiotherapy sessions, mga senior citizens, buntis, at PWDs na kailangang sumailalim sa check-up at iba pang nangangailangan ng medical treatment na hindi emergency case sa Taguig o sa iba pang lungsod sa Metro Manila.

Ang inisyatibo na ito ay ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng Taguig upang tumugon sa pangangailangang transportasyon para sa mga maysakit na walang masakayan dahil sa pansamantalang pagtigil ng pag-biyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Para maka-avail sa serbisyong ito, magtext sa numerong 0961-734-0834 dalawang araw bago ang takdang mga checkup o medical sessions.

Para naman po sa mga COVID-19 concerns at emergencies, tumawag sa Taguig City COVID-19 hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510. Para naman sa ibang emergencies (NON-COVID), magtext o tumawag sa Taguig Rescue sa 09175503727.

#SafeCity
#CaringCommunity
#ilovetaguig

Leave a Reply

%d bloggers like this: