10-TAONG VALIDITY NG DRIVER’S LICENSE, IBIBIGAY NG LTO

10-TAONG VALIDITY NG DRIVER’S LICENSE, IBIBIGAY NG LTO

ISIPIN mo na sa loob ng 10 taon ay hindi ka kailangan na mag-renew ng iyong lisensya sa pagmamaneho.  Sarap di ba?
Posible na ito ngayon makaraang ihaya ng Land Transporation Office (LTO) na magbibigay na sila ng driver’s license na epektibo ng 10 taon.
Pero may catch!  Kailangan lang naman na ang mga kuwalipikadong tsuper ay walang rekord ng traffic violation sa kanilang database.
“Ang pagpapalawig ng lisensya up to 10 years mangyayari ito starting October 2021. [Pero] hindi lahat ng driver’s license possessor makakapag-enjoy nitong 10-year validity ng license kung siya ay merong demerit points,” ayo kay LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante.
“Isa iitong incentive para sa mga sumusunod sa batas trapiko, walang mga violation,” giit niya.
Ang 10-taong valid driver’s license ay nakapaloob sa Republic Act No. 1093, na naging batas noong 2017, ngunit ngayon pa lamang ipatutupad ng LTO.
Una nang ipinatupad ng LTO ang fiv-year validity ng mga driver’s licnese.
Para maipatupad ang 10-taong validity ng lisensya, magsasagawa ng ‘demerit system’ ang LTO kung saan ikakaltas ang ‘demerits points’ ng motorista sa kaniyang rekord depende sa bigat ng kaniyang paglabas sa batas trapiko.
“Kung ang [motorist] ay maka-accumulate ng several demerit points during the duration of the five-year validity of the license, maaring magkaroon ng imposition of fines and penalties kasama na ‘yung maaring required siya na magdaan siya sa reorientation as a driver,” paliwanag ni Galvante.
Layon umano ng 10-year driver’s license na hikayatin ang mga tsuper na maging mabuting tagasunod ng batas-trapiko para mabigyan sila ng naturang insentibo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: