Business Registration ng Online Sellers, deadline na!

Business Registration ng Online Sellers, deadline na!

DEADLINE na ngayong araw na ito (September 1) ang business registration para sa “online sellers” o para sa digital at electronic business transactions.
Una na itong itinakda kahapon (August 31) subalit dahil bumagsak ito sa holiday ay iniatras ito ng BIR.
“Under the law, if a due date falls on a Saturday o kaya Sunday o kaya holiday, the due date will be moved to the next working day,” saad ni BIR Assistant Commissioner Elenita Quimosing.
“Bali ang mangyayari sa September 1 na, imbis na Monday, sa Tuesday na,” diin pa ni Quimosing.
Sa inilabas na Revenue Memorandum Circular No. 75-2020 ng BIR, pinalawig nila ng isang buwan ang pagpaparehistro na dapat ay nagtapos na noong July 31.
Ipinaalala ng BIR sa kanilang memo na “all persons doing business and earning income in any manner or form, specifically those who are into digital transactions through the use of any electronic platforms and media, and other digital means, to ensure that their businesses are registered pursuant to the provisions of Section 236 of the Tax Code, as amended, and that they are tax compliant.”
Saklaw nito ang mga partner sellers o merchants, gayundin ang mga payment gateways, delivery channels, internet service providers, at mga kahalintulad na pagnenegosyo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: