Meralco, binalaang posibleng mawalan ng prangkisa

Meralco, binalaang posibleng mawalan ng prangkisa

BINALAAN ni Senador Win Gatchalian ang Manila Electric Company (Meralco) na posibleng sapitin din nila ang naging kapalaran ng ABS-CBN na tinanggalan ng prangkisa kung hindi susundin ang atas ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Pinayuhan ni Gatchalian ang Meralco na huwag nang ilaban pa ang atas ng ERC na magmulta sila ng P19 milyon at bigyan ng diskwento ang “lifeline” consumers o ang mga kumokunsumo ng mababa sa 100 kilowatt-hours kada buwan.
Sinabi ng senador na sa pagdinig ng Kongreso ssa prangkisa ng kumpanya, posibleng mahalungkat ang lahat ng kanilang kasalanan at paglabag na maaaring maging dahilan ng pagkansela ng kanialng prangkisa.
Kinastigo ng mga senador ang Meralco sa naranasang bill shock ng maraming customers dahil sa sobrang taas ng kanilang bayarin sa kuryente matapos ang lockdown noong Mayo.
“Meralco should not appeal anymore because it’s impossible that the penalty is just P19 million. They have to look at it as a whole,” giit ni Gatchalian.
Tiniyak naman ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na pinag-aaralan na nila ang kautusan ng ERC.

Leave a Reply

%d bloggers like this: