MGA MOTORISTA OBLIGADO NANG KUMUHA NG RFID

MGA MOTORISTA OBLIGADO NANG KUMUHA NG RFID

OBLIGADO na ang mga motorista lalo na ang mga dumadaan sa mga expressways na kumuha ng “radio-frequency identification (RFID)” para sa “cashless payment” na ipatutupad ngayong panahon ng pandemya.
Hinikayat ni Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) chief communications officer Romulo Quimbo Jr. ang mga motorista na mag-aplay na ng RFID dahil sa mag-e-expire na ang kanilang EasyTrip tag ngayong Setyembre 30.
“Habang maaga po, tawagan niyo na po yung EasyTrip dahil may number naman po ‘yung mga subscribers namin na magpapalit na sila from the EasyTrip tag to the sticker,” ayon kay Quimbo.
Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na magiging “full cashless” na ang operasyon ng mga expressways simula Nobyembre 2, 2020 para maiwasan ang “person-to-person payment” at mapigilan ang pagkalat ng virus sa mga motorista at tellers.
Sinabi ng Skyway O&M Corp. (SOMCO),na nag-ooperate sa South Luzon Expressway (SLEX), na umaabot na sa 40 tellers nila ang nahawa ng virus kaya napapanahon na ang cashless payment para na rin mapabilis ang biyahe ng mga motorista.

Leave a Reply

%d bloggers like this: