Presyo ng gasolina, tataas na naman!

Presyo ng gasolina, tataas na naman!

MULING magpapatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng kanilang gasolina habang may rollback sa presyo ng diesel at kerosene.
Simula ngayong araw na ito (Martes, September 1), magpapatupad ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ng dagdag na P0.10 sa bawat litro ng gasolina habang magbabawas naman ng P0.10 sa kada litro ng diesel at kerosene.
Kaparehong paggalaw din ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz sa gasolina.
Epektibo ang mga pagbabagong ito, alas-6:00 ng umaga ngayong Martes sa lahat ng kumpanya maliban sa Cleanfuel na magbabago ng presyo alas-8:01 ng umaga.
Sa kabila ng panibagong paggalaw, sinabi ng Department of Energy (DOE) na umabot na sa P4.02 bawat litro ng gasolina ang ibinaba sa presyo nito sa loob ng taong ito habang P8.89 sa diesel at P13.29 sa kerosene.

Leave a Reply

%d bloggers like this: