UTANG NG PILIPINAS LOLOBO SA P12-TRILYON SA 2021

UTANG NG PILIPINAS LOLOBO SA P12-TRILYON SA 2021

LALO pang lolobo ang utang ng Pilipinas sa iba’t ibang lending institutions sa loob at labas ng bansa na inaasahang aabot sa P12-Trilyon pagsapit ng 2021.
Nabatid rin sa pamamagitan ng Budget and Expenditures and Sources of Financing para sa fiscal year 2021 na aabot sa P10.16-trilyon ang utang ng bansa na higit na mas malaki sa P7.73-trilyong utang sa pagtatapos ng taong 2019.
Ang bulto ng utang para ngayong taon ay mula sa local sources na aabot sa P6.91-trilyon at ang nalalabing P3.246 trilyon ay mula sa panlabas na mga pinagkakautangan.
Para ngayong taon, aabot sa P3.003 trilyon ang gross borrowings kung saan nasa P2.218 trilyon ay mula sa local sources at P785.6 bilyon naman ay mula sa mga dayuhang nagpapautang.
Gagamitin ang P785.61 bilyong utang panlabas sa mga proyekto ng pamahalaan at mga programa para sa pagbangon ng ekonomiya buhat sa pandemya.
Sinabi ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III na pananatilihin nila ang pag-utang ng P3-trilyon sa taong 2021 para maipagpatuloy ang mga programa sa imprastruktura at para sa ekonomiya.

Leave a Reply

%d bloggers like this: