3 Coal-fired power plant projects sa Quezon, kinontra

3 Coal-fired power plant projects sa Quezon, kinontra

Kinontra ng consumer group na Power for People Coalition (P4P) at ng Diocese of Lucena ang pagtatayo ng tatlong “coal-fired power plants” sa lalawigan ng Quezon dahil sa polusyon na dulot umano nito.
Sinabi ni P4P convenor Gerry Arances na ang pagtatayo ng naturang mga planta ay kabaligtaran sa ipinagmamalaki ng Department of Energy (DOE) sa pagsusulong ng “renewable” at malinis na panggagalingan ng enerhiya.
Itinatayo ang dalawang planta ng San Miguel’s SMC Global Power Holdings sa bayan ng Pagbilao at isa pang planta ng Meralco Powergen Corp.’s (MGen) Atimonan One Energy (A1E) sa bayan ng Atimonan.
Samanala, nasa 100 miyembro ng simbahan sa pangunguna ni Lucena Bishop Mel Rey Uy ang naglabas ng pahayag na itigil ang konstruksyon ng mga planta na sisira umano sa kalikasan.
Meanwhile, over 100 members of the clergy including Lucena Bishop Mel Rey Uy, issued a statement to the coal power plants’ proponents and local authorities.
“We call upon these corporations and their power subsidiaries to listen to the cry of the Earth and cancel their plans to set up this dirty, deadly, and costly source of energy. We appeal to the local and national government and their respective agencies to listen to the cry of the people of Quezon and disallow these projects and any further coal plants in our beloved province,” ayon sa kanilang pahayag.
Sinabi ng grupo na nakararanas na ang mga mamamayan ng Quezon ng mga sakit sa balat dahil sa lason sa emisyon ng isang coal plant na kasalukuyang nakatayo sa probinsya.
Iginiit naman ng Meralco Powergen na nagsasagawa muna sila ng mga pag-aaral sa epekto sa kapaligiran ng mga planta at gagawa ng mga paraan para maiwasan ito.
“All potential impacts to air, water, land and people have respective management and mitigation plans to address these impacts to international standards and best practices,” ayon sa MGen.

Leave a Reply

%d bloggers like this: