Internet cafe’s at sports facilities, pwede na uli sa Maynila

Internet cafe’s at sports facilities, pwede na uli sa Maynila

Maaari nang makagamit ng mga internet cafe’s lalo na ang mga estudyanteng may online class at makapagsagawa ng ensayo ang mga sports afficionados nang payagan na ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagbubukas ng mga ito.
Ito ay makaraang pirmahan na ni Moreno ang Executive Order No. 37 na nagbibigay awtorisasyon para magbukas ang mga nabanggit na establisimiyento ngunit sa 30 porsyentong kapasidad lamang.
“Kayo ay makakapagbukas na mula ala singko ng umaga hanggang alas diyes ng gabi. Kung ang negosyo niyo po ay gym, simula bukas ay pinapayagan na po kayo ng lokal na pamahalan mag-operate, ito ay alinsunod po sa pinirmahan ko kanina na Executive Order No. 37,” ayon kay Moreno.
Ito ay makaraang ibalik rin ni Moreno ang kanilang curfew hours umpisa alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw para bigyan ng mas mahabang oras na operasyon ang mga negosyo.
Kabilang sa mga sports activities na papayagang ibalik ang “walking, jogging, running, biking, swimming, tennis, badminton, equestrian, range shooting, at skateboarding” habang bawal pa rin ang may “physical contact” tulad ng basketball at boxing.  Ipinagbabawal rin ang mga “group sessions” tulad ng “aerobics”.
Mahigpit rin ang bilin ng alkalde na palagiang magsuot ng “facemask at face shield” ang mga bantay ng mga pasilidad at establisimiyento at maging kanilang mga kustomer.

Leave a Reply

%d bloggers like this: