Mag-ingat sa recycled face mask for sale

Mag-ingat sa recycled face mask for sale

Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga konsyumer na mag-ingat sa pagbili ng mga disposable face masks makaraang makarating sa kanila ang ulat na may mga tiwaling negosyante ang nagre-recycle nito at muling ibinibenta.
Upang mas makasiguro sa kaligtasan, pinayuhan ng DOH ang publiko na sa mga botika o mga medical supplies store na lamang bumili ng face masks.
Kinumpirma ni Health Undersecretary at Spokespeson Maria Rosario Vergeire na may natanggap na silang ganitong impormasyon ngunit hindi nilinaw niya na hindi pa ito kumpirmado.
“We have received this kind of information yesterday and pinag-uusapan nga namin,” ayon kay Vergeire.
Kasabay nito, muling ipinaalala ni Vergeire sa publiko ang pagsunod sa inilabas nilang panuntunan sa tamang paggamit at pagtatapon o ‘safety disposal’ ng mga face masks at mga PPEs (personal protective equipments).
Kailangan umano na nakahiwalay sa isang plastic bags ang mga gamit nang face masks o PPEs para mas matutukoy ang mga ito at makakapag-ingat ang mga humahawak ng mga basura.  Maaari ring sirain o gupitin muna ang mga face masks para hindi na maipagbili muli.
“It’s something that can prevent those people who are recycling and reselling.  Para po hindi na nila ito maibebenta muli,” dagdag ng opisyal.

Leave a Reply

%d bloggers like this: