P19M na multa ng Meralco, gamiting rebates sa mga electric bills

P19M na multa ng Meralco, gamiting rebates sa mga electric bills

IMINUNGKAHI ni Senador Risa Hontiveros sa energy regulators ang posibildiad na gamitin ang P19 milyong multa ng Meralco bilang “rebates” sa electric bills upang makatulong sa mahihirap na pamilya.
Ang multa ay ipinataw ng Energy Regulatory Commission sa Meralco dahil sa paglabag ng kumpanya sa lockdown billing guidelines.
“The P19 million fine is well and good sa pananaw ng consumers but it doesn’t really help them now. Could this possibly be converted into a rebate or subsidy?,” saad ni Hontiveros.
Sinabi naman ni Meralco head of utility economics Larry Fernandez na patuloy pang pinag-aaralan ng legal team ang multa.
Ipinaliwanag naman ni ERC lawyer Chiara Blanco na ang multa ay ibabalik sa National Treasury para naman sa disbursement ng pondo na nasa kamay na ng gobyerno.
“Since this is a fine ‘yung babayaran ni Meralco ay nirerevert din natin sa National Treasury so kung pag reallocate po nung perang ‘yun ay nakasalaylay sa government natin kung paano nila i-didispense ‘yun,” paliwanag ni Blanco.

Leave a Reply

%d bloggers like this: