Pagbubukas ng internet cafes, nasa desisyon ng lokal na pamahalaan

Pagbubukas ng internet cafes, nasa desisyon ng lokal na pamahalaan

NASA kamay na ng mga lokal na opisyal ang pagbibigay ng go signal sa mga internet cafe na magsimula muli ng operasyon.
Ito ang nilinaw ng Department of Trade and Industry makaraang payagan ang pagbabalik operasyon ng gyms at personal care services.
“Pagdating sa internet café ipapaubaya na natin sa ating Metro Manila mayors as to yung timing, kung kailan sila pwedeng magbukas nito at kung saan pwede mabuksan o ma-i-allow itong mga internet café,” saad ni Trade Secretary Ramon Lopez.
Maaari rin anyang magrekomenda ang mga alkalde sa Metro Manila ng karagdagang health protocols para sa mga gyms.
“Ang Metro Manila mayors tutulong din sa pag-specify ng health protocol standards para mas maging safe ang pagbubukas natin ng mga gym at internet shops,” diin ng kalihim.
Ikinatuwa naman ni Lopez ang desisyon ng mga alkalde na i-adjust ang curfew hours sa 10 p.m. hanggang 5 a.m.
“Hopefully moving forward magtuloy-tuloy na itong reopening ng economy, ito talaga will provide stability sa maraming negosyo,” dagdag nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: