Publiko, binalaan sa mga nakalalasong laruan

Publiko, binalaan sa mga nakalalasong laruan

SA PAGSAPIT ng unang araw ng ‘Ber Months’, muling nanawagan ang isang environmental health advocacy group para sa pag-iingat sa pagbili ng mga laruan bilang regalo sa mga bata.
Ito ay makaraang matuklasang na mataas ang lebel ng ‘toxic’ sa “shrilling chicken toy” na ibinebenta sa merkado at maging sa online stores.
“Toy manufacturers, importers, distributors and retailers, including online dealers, have a crucial role in ensuring that toys placed on the market conform to the highest safety and quality standards as verified by government regulators. Unfortunately, this is not always the case,” saad ni EcoWaste Coalition chemical safety campaigner Thony Dizon.
Ang shriling chicken toy ay ang kulay dilaw na squeezable plastic chicken toy na iniaangkat mula sa China at nadiskubreng may mataas na nakalalasong kemikal na phthalates na nagpapalambot sa plastic.
Batay sa pahayag ng EcoWaste ang mataas na konsumo ng phthalates ay posibleng magdulot ng reproductive health problems tulad ng malformed penises at undescended testicles sa lalaki at maagang puberty sa mga babae.
Nangako naman ang grupo na magpapatuloy ang kanilang test buy ng mga laruan upang agad na mabalaan ang mga consumer sa pagbili ng mga delikadong laruan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: