Call center industry, matatag pa rin sa kabila ng pandemya- Jobstreet

Call center industry, matatag pa rin sa kabila ng pandemya- Jobstreet

Nangunguna pa rin ang industriya ng call center o “business processing outsourcing (BPO)” sa pagtanggap ng mga bagong manggagawa sa kabila ng nararanasang pandemya.
Ayon sa recruiting site na Jobstreet, pinakamalaking bilang ng nabigyan ng trabaho ang sa industriya ng BPO kasunod ang mga trabaho na iniaalok ng pamahalaan nang magbukas ng iba’t ibang posisyon para sa mga nawalan ng trabaho dulot ng pagsasara ng maraming negosyo.
Ikatlo sa recruitment ang industriya ng human resource habang ikaapat naman ang industriya ng edukasyon.
Sinabi ni Jobstreet country manager Philip Gioca na ginamit na rin ng pamahalaan ang kanilang recruitment portal sa paghahanap ng mga kuwalipikadong manggagawa para sa tinatayang 10,000 bakanteng posisyon na kanilang binuksan.
“We look at the app that despite the last 6 months lockdown, we see that these 4 industries are actually moving the needle,” ayon kay Gioca.
“Because of online we can feature jobs nationwide you don’t need to go to Manila to actually apply, which is one of the benefits of this career fair,” dagdag pa niya.
Magsasagawa rin ng Jobstreet ng online jobfair sa Setyembre 14 hanggang Setyembre 18 para mabawasan pa ang ‘unemployment rate’ ng bansa.
Kabilang sa mga iniaalok na trabaho sa gobyerno sa naturang jobfair ang: deputy register of deeds; Admin officer, Attorney, Accountant, Procurement Officer, Research Specialty, at mga Medical Officers.
Sa datos ng SWS survey, tinatayang nasa 27 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho kung saan 17% ang permanenteng tinanggal, at 43% ang pansamantala lamang.

Leave a Reply

%d bloggers like this: