Deadline sa business registration ng online sellers, muling pinalawig

Deadline sa business registration ng online sellers, muling pinalawig

PINALAWIG pa ng Bureau of Internal Revenue ang deadline para sa registration ng online selling businesses hanggang sa Setyembre 30.
Una itong inextend hanggang September 1 subalit upang mabigyan ng pagkakataon ang iba pang online sellers, pinalawig ito hanggang katapusan ng buwan.
“Considering this and the Bureau’s resource constraints at this time of quarantine protocols due to the COVID L9 pandemic, the deadline is further extended to September 30, 2020,” saad ng BIR.
Pinayuhan ng BIR ang mga online sellers na agad nang magparehistro upang maiwasan ang pagmumulta.
“It is reminded that all those who will be found later doing business without complying with the registration/update requirements, and those who failed to declare past due taxes/unpaid taxes shall be imposed with the applicable penalties under the law, and existing revenue rules and regulations,” dagdag ng ahensya.
Sa paunang pahayag ng BIR, exempted sa pagbabayad ng buwis ang mga online sellers na kumikita ng P250,000 pababa kada taon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: