Globe, may libreng data para sa learning app ng CHED

Globe, may libreng data para sa learning app ng CHED

INANUNSYO ng Commission on Higher Education na libre nang mag-aaccess ng mga  Globe at TM subscribers ang kanilang mga learning resources app at hindi mababawasan ang kanilang load.
Sa pahayag, sinabi ng kumisyon na nakipag-partner na ito sa telecom giant upang maging accessible sa lahat ng estudyante at faculty members ang PHL CHED Connect app.
“By supporting CHED through free connectivity, we hope to empower our educational community and give them an opportunity to continue increasing their knowledge and honing their skills whenever and wherever they want to,” saad ni Yoly Crisanto, Globe senior vice president for corporate communications.
Makikita sa PHL CHED Connect ang mga libreng learning materials para sa mga estudyante at educators sa tertiary level.
Mayorya ng higher education institutions ang nagpapatupad na ng flexible mode of learning ngayong academic year dahil sa pagsasara ng kanilang mga campus dulot ng COVID 19 pandemic.
Mga residente ng Bulacan, bibigyan ng trabaho sa itatayong bagong airport.

Leave a Reply

%d bloggers like this: