Mas mababang presyo ng mais, asahan sa panahon ng anihan

Mas mababang presyo ng mais, asahan sa panahon ng anihan

Asahan na umano ang mas mababang presyo ng mais pagsapit ng panahon ng anihan dahil sa sasabay ito sa pagdagsa ng mga imported na feeds.
Sa pagtataya ng Philippine Maize Federation Inc. (PhilMaize), posibleng umabot ng hanggang P12 kada kilo ang magiging presyo ng lokal na mais na epekto ng kumpetisyon sa mga imported na feeds.
Napag-alaman na umaabot sa 81,200 metric tons ng feed wheat, isang mas murang alternatibo sa mais, ang inimport ng mga feed millers mula sa Black Sea at Australia.  Inaasahan na 30,000 metric tons ang unang darating sa bansa sa susunod na buwan.
Sinabi ni PhilMaize president Roger Navarro na nas isa hanggang dalawang porsyento lamang ang imported na feed wheat ngunit sapat na ito para bumaba ang presyo ng mais.
“It becomes worse as the NFA (National Food Authority) no longer supports corn price as it now has a different mandate,” giit ni Navarro.  Hindi na umano bumibili ngayon ang NFA ng mga bigas buhat sa mga lokal na magsasaka dahil sa limitado na lamang sila sa pagbili ng lokal na palay sa ilalim ng Rice Tarrification Law.
Una nang nanawagan ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) sa pamahalaan na patuloy na suportahan ang produksyon at pagbili ng mga mais ngayong pandemya dahil sa mas kailangan ito ngayon ng mga magsasaka.

Leave a Reply

%d bloggers like this: