Pet grooming, salon at sports facility, pasado sa inspeksyon ng DTI

Pet grooming, salon at sports facility, pasado sa inspeksyon ng DTI

Pasado sa ginawang inspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ipinatutupad na ‘health protocols’ ng mga binisitang pet grooming shop, salon at sports facility sa ilang mall sa Taguig City nitong Miyerkules.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, kontento naman sila sa health protocols ngunit umapela siya sa mga kustomer na ibigay ang kumpletong impormasyon sa mga nakahandang ‘declaration forms’ makaraang kulang na kulang na inilalagay tulad ng hindi kumpletong address.
Unang binisita ang isang pet grooming shop sa Market! Market! Mall.  Nabatid sa manager nito na hindi nila pinapapasok ang kustomer kapag hindi kumpleto ang inilagay sa declaration form.
Isa ring nail salon ang binisita kung saan naabutan na nakasuot naman ng personal protective equipments (PPES) ang empleyado.
Sa isang fitness center sa SM Aura, naabutan na nililinis ng mga tauhan ang mga kagamitan at pasilidad nang matapos sa workout ang mga kustomer.  Pero bawal pa rin ang ‘group exercises’ tulad ng aerobics.
Sa kabila nito, madaling pa rin umano ang dating ng mga kustomer dahil sa takot pa rin sa COVID-19.

Leave a Reply

%d bloggers like this: