San Miguel Corporation, ipa-prayoridad ang mga residente ng Bulacan

San Miguel Corporation, ipa-prayoridad ang mga residente ng Bulacan

TINIYAK ng  San Miguel Corporation na ipa-prayoridad nila ang mga residente ng Bulacan sa pagkuha ng mga manggagawa para sa itatayong bagong paliparan sa lalawigan.
Isasalang sa training ng korporasyon ang mga residente gayundin ang mga OFW na nawalan ng trabaho para sa konstruksyon ng New Manila International Airport.
Unang isasalang sa training ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) ang 60 residente ng lalawigan para matiyak ang kanilang kapabilidad at kahandaan sa pagsisimula ng trabaho.
Bibigyan din ng korporasyon ng toolkits ang mga trainees na sasalang sa 10 hanggang 20 araw na kurso na bayad ng SMC.
“Construction activities will have an immediate economic impact on so many sectors. These create much-needed jobs that put money in people’s hands and allow them and their families to spend for their needs. This spending benefits many small and medium businesses, local eateries, sari-sari stores, groceries, and service establishments,” ayon kay SMC President Ramon Ang.
“A lot of Overseas Filipino Workers (OFWs) had to return to the country in recent months after they lost their jobs. Many are not sure if they will be getting new contracts from their foreign employers given the difficult economic conditions. With this world-class airport project, those who will opt to stay home will no longer be separated from their families and will have a viable option,” dagdag pa nito.
Una nang inaprubahan ng kumite sa Kamara ang prangkisa ng San Miguel Corporation para sa pagtatayo, operasyon at pagma-mantina ng P734-billion airport sa Bulacan.

Leave a Reply

%d bloggers like this: