“Age of Flying Cars” nalalapit na

“Age of Flying Cars” nalalapit na

Mahilig ka ba sa science fiction movies kung saan lumilipad na ang mga kotse?  Tila nalalapit nang maisakatuparan ito dahil sa nag-uunahan na ngayon ang mga mauunlad na bansa sa pag-debelop ng sarili nilang mga ‘flying cars’.
Kamakailan, isang demonstrasyon ang ipinakita sa media ng Japanese firm na SkyDrive tampok ang kanilang ‘drone-like prototype’ na lumilipad na kotse.
Gumamit ang flying car ng walong propellers para makalipad at nagawang makaikot sa test field ng halos apat na oras.
“We want to realize a society where flying cars are an accessible and convenient means of transportation in the skies,” ayonkay SkyDrive CEO Tomohiro Fukuzawa.
Inaasahan na maaari nang isapubliko at ibenta sa merkado ang naturang flying car pagsapit ng 2023 sa tumataginting na halagang US300,000 o katumbas na P14.7 milyon.
Dito kinilita ang imahinasyon ng mga ‘science nerd’ at maging mga ‘car enthusiasts’ sa posibilidad na magkaroon ng kotse na solusyon sa matinding trapiko sa lupa at mapapabilis ang biyahe.
Ngunit hindi ang flying car ng Japan ang nauna dito.  Datinang nag-test ng kanilang flying taxi ang isang German company sa Singapore noong Oktubre 2019 habang ibang kumpanya ang nag-uunahan rin sa pagdebelop nito tulad ng Boeing, Airbus, Toyota at Hyundai.

Leave a Reply

%d bloggers like this: