Apat na importers at brokers kinasuhan dahil sa smuggling

Apat na importers at brokers kinasuhan dahil sa smuggling

SINAMPOLAN ng Bureau of Customs (BOC) ang apat na importers at kaniang mga brokers nang sampahan ng mga kaso sa Department of Justice dahil sa hinihinalang pagkakasangkot ng mga ito sa smuggling base sa pagkakasabat ng mga kargamento na tinangkang ipuslit papasok ng bansa.
Kabilang sa mga kinasuhan ang si Emmanuel Sulit, may-ari ng Meraki Car Trading at kaniyang customs broker na si Nicanor Sangcad. Ang dalawa ang nasa likod ng nadiskubreng isang unit ng Renault black van noong Pebrero 16 na tinangkang ipuslit sa bansa.
Sinampahan rin ng kaso ng BOC-Bureau Action Team Against Smugglers (BATAS) siLovely Joy Pandes, may-ari ng Llorin Trading at kaniyang broker na si Christelle Joyce Tabusares na nag-import naman at sangkot sa misdeklarasyon ng isang unit ng McLaren 620R sports car na dumating sa bansa nitong Hulyo 16, 2020.
Ang ikatlong kaso ay sangkot si Denmark Locre, may-aring Flexhale Trading at customs broker na si Debbie Mae Tria na sangkot sa iligal na importasyon at hindi tamang pagdedeklara ng mga aluminum window frames at accessories.
Huling kinasuhang si Chang Luy Mohammad, isang pasahero na nagtangkang magpasok sa bansa ng nasa US$491,600 sa kaniyang bagahe noong Setyembre 21, 2019 sa Ninoy Aquino International Airports.
Sinampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act at Article 172 ng Revised Penal Code.

Leave a Reply

%d bloggers like this: