Lazada at Shoppee, kinuwestyon sa pagbebenta ng food supplements na may warning sa FDA

Lazada at Shoppee, kinuwestyon sa pagbebenta ng food supplements na may warning sa FDA

HARAPANG kinuwestyon ni Senador Win Gatchalian ang mga kinatawan ng Lazada at Shopee sa mga food supplement na ibinibenta sa kanilang platform na natukalasang may Food and Drugs Administration public health warning.
Para kay Gatchalian, maaari niyang palusutin ang mga pekeng softwares at gadgets na binebenta online pero kung ganitong iniinom ng mga tao at hindi naman lahat ay sadyang delikado kung mabili ng ating mga kababayan.
“This is something that the public consumes, not everyone goes to FDA and search the website. There’s a big chance we might be fooled and consumers will buy. What are they doing to stop this? As we speak right now, these are things that are being sold and we just researched it now. Platforms are not doing enough to stop this unscrupulous activities in their own platform, what are they doing to stop this,” saad ni Gatchalian sa Senate hearing .
Lumabas din sa report ng Optical Media Board na kabilang sa mga ibinebenta ngayon online na walang lisensya o kaya peke ay mga software tuald ng Adobe software na nagkakahalaga ng P18 lamang dahil cracked version lamang ito.
Nasa 1,607 items na adobe software ang binebenta online na walang karampatang lisensya.
Aminado naman si Ray Alimurong, Chief Executive Officer ng Lazada Philippines na may mga nakakalusot sa kanila pero hindi naman anya ibig sabihin na wala silang mahigpit na pagbabantay sa mga ito.
Sa sandali anyang may mag-report o take down notice sa mga regulators ay agad naman nilang tinatanggal ang produkto sa kanilang site.
Marami na rin anya silang nagawa para panatilihin ang tiwala ng mga buyers sa kanila gaya ng maayos na helpdesk at oras na may reklamo sa nabili ay binabalik nila ang pera ang buyer at may parusa gaya ng blocklisting sa mga fraudulent sellers at buyers.
Ayon naman sa kinatawan ng Shopee, gaya ng lazada, may mga procedure din sila para itake down ang mga pekeng produkto na naibebenta sa kanilang platform.

Leave a Reply

%d bloggers like this: