Walang trabahong Pilipino, naitala sa 4.6 Milyon

Walang trabahong Pilipino, naitala sa 4.6 Milyon

Bahagyang bumaba ang ‘unemployment rate’ ng bansa sa 10 porsyento nitong nakaraang Hulyo nang ibaba ang ‘general community quarantine (GCQ)’ sa maraming parte partikular na sa Metro Manila.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), umaaabot sa 4.6 milyong Pilipino ang walang trabaho noong nakaraang Hulyo na mas mababa kumpara sa 7.3 milyon noong Abril o 17.7% ng workforce ng bansa.
“I was expecting this precisely because the economy has somewhat opened up. That meant that a lot of people were able to go back to work even partially so I was quite sure that the numbers would be improving,” ayon kay dating Philippine Economic Planning Secretary Cielito Habito.
Pinakamataas pa rin ang unemployment rate sa Metro Manila na may 15.8% o 929,000 jobless na residente.  Kasunod ang Region IVA (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na may 12.4% o katumbasna 886,000 tao na walang hanapbuhay.
Kasama sa bilang ng mga walang trabaho ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na napilitan na bumalik ng bansa dahil sa pandemya, mga empleyado ng mga nagsarang kumpanya at mga may-ari ng mga maliliit na negosyo na hindi pinapayagang magbukas.

Leave a Reply

%d bloggers like this: