Home Service, in ngayong pandemic

Home Service, in ngayong pandemic

IN na in ngayong panahon ng Covid 19 pandemic ang mga home service para sa pagpapagupit ng buhok o kaya medical at grooming services para sa mga hayop, dahil marami pa rin ang takot lumabas ng kanilang mga bahay.
Kabilang sa ipinatutupad na regulasyon ng mga nag-aalok ng home service ang pagsusuot ng personal protective equipment at naka-disinfect na gamit para makampante ang mga kliyente.
Naisipan ng ilang salon at grooming services sa mga hayop ang home service dahil sa matumal pa rin ang kanilang mga customer
Maaring mag-book ng appointment ang mga customer sa pamamagitan ng app, pagtawag sa telepono o maging sa kanilang mga social media account.
Pero paalala naman ng Department of Trade and Industry sa mga customer na sundin pa rin ang mga health protocol.
“Kung mahawahan sila dahil dun sa pumasok doon sa bahay nila, it’s going to be their lookout pero sana ‘di mangyari,” saad ni Trade Undersecretary Ruth Castelo.

Leave a Reply

%d bloggers like this: