Local Tourism, posibleng umarangkada na

Local Tourism, posibleng umarangkada na

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang national government sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy kung maaari nang buksam ang local tourism sa kani-kanilang hurisdiksyon.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kailangan ding tiyakin na maipatutupad ang health and safety protocols kung bubuksan na ang turismo upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
“The President’s marching order is to gradually re-open the economy, including the tourism sector, with the assurance that health and safety measures are in place,” saad ni Roque.
“The national government, through the Department of Tourism (DOT), is working in concurrence with the local government units (LGUs) as they determine when tourism operations would resume in their respective areas,” dagdag nito.
Sinabi ni Roque na posible nang magsimula sa pagtanggap ng mga turista ang Baguio City makaraan itong isailalim na sa modified general community (MGCQ).
“We must, however, emphasize that there must be proper and close coordination between the national government and the LGUs regarding the implementation of health and safety protocols when travelling,” diin ni Roque.
Isa ang tourism industry sa matinding naapektuhan ng COVID 19 sa gitna ng mga ipinatupad na lockdown.
Mula September 1 hanggang 30, malaking bahagi na ng bansa ang nasa ilalim ng MGCQ kaya’t mas maluwag na ang mga pinaiiral na regulasyon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: