12 Containers ng smuggled na paputok, nasabat ng Customs

12 Containers ng smuggled na paputok, nasabat ng Customs

UMAABOT sa 12 containers ng smuggled na pyrotechnics at firecrackers ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container Port (MICP).
Ang shipments na nagkakahalaga ng P60 million ay naka-consign sa Stellent Corp. and Grinder Stone International Trading.
Una nang inalerto ang Customs laban sa shipments makaraan itong abandonahin ng consignees nang mabigong makapagpakita ng import clearances mula sa Philippine National Police (PNP).
Ipinaalala ng kagawaran, lumabag ang consignee sa Republic Act 7183, “An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices”.
Agad namang itinurn over ng Customs sa PNP ang mga produkto at nakatakdang wasakin habang inihahanda na rin ang pagsasampa ng kaso laban sa consignee.
Aminado ang Customs na sa pagpasok ng Ber months, maraming mga kawatan ang magsasamantala na magpalusot ng mga produkto para sa Panahon ng Kapaskuhan subalit tiniyak na nakaalerto sila upang masabat ang mga ito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: