Customers ng mga Restaurant, nabawasan ng 80%

Customers ng mga Restaurant, nabawasan ng 80%

NASA 80 porsiyento ang sinasabing nabawas sa mga customer ng mga restaurant kahit pinapayagan na ang dine-in sa ipinatutupad na general community quarantine.
Sinabi ni Resto PH President Eric Teng na sa kanilang pagtaya nasa 80 hanggang 90 porsiyento sa kanilang mga customer ang hindi pa rin tumatangkilik sa kanilang mga produkto at serbisyo.
Araw-araw din anya siyang nakatatanggap ng mga e-mail mula sa mga restaurants at nagsasabing tuluyan nang magsasara.
Bukod dito, ilang malalaking restaurants din anya ang nagpaplano na ring magsara dahil sa pagbaba ng bilang ng kanilang mga customer.
Batay sa datos, nasa 2 milyong manggagawa ang umaasa sa food services industry.
At sa record ng Philippine Statistics Authority (PSA), pangalawa sa pinakamaraming nawalan ng trabaho ang “accommodation and food service activities.”
Ipinaliwanag ni Teng na kahit may dine-in operations na ay limitado ang seating capacity at oras ng operasyon dahil sa mga curfew kaya ang gastos sa renta ay mas malaki pa sa kita.
Bukod pa rito ay hindi rin maiwasan na matakot ang mga customer na kumain sa labas kahit na mahigpit naman ang kanilang pagpapatupad ng health protocols.

Leave a Reply

%d bloggers like this: