Eco Waste Coalition, nagbabala sa hindi rehistradong ‘anti-Covid 19’ product

Eco Waste Coalition, nagbabala sa hindi rehistradong ‘anti-Covid 19’ product

BINALAAN ng Environmental health group na EcoWaste Coalition ang publiko  laban sa pagbili ng hindi nakarehistrong produkto na sinasabing panlaban sa coronavirus disease (COVID-19).
Natuklasan ng grupo ang “Virus Shut Out” na ibinebenta ng mga retailer sa Divisoria at Quiapo, Manila sa halagang P80 hanggang P250 kada pakete at sinasabing “made in Japan”.
Inilarawan pa ang produkto na naglalaman ng sterilization packet na may tali at maaaring isuot sa leeg tulad ng badge o ID.
Ayon sa EcoWaste ang pakete ay naglalaman ng chlorine dioxide, isang bacterial disinfectant na hindi dapat inilalapit sa mukha.
“We advise consumers to be extra careful and discerning when buying health products with unsubstantiated claims that are too good to be true,” saad ni EcoWaste chemical safety campaigner Thony Dizon.
“Wearing this sterilization card may only give you a false sense of security against COVID-19,” dagdag nito.
Bilang proteksyon sa sarili, ipinayo na lamang ni Dizon ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, pagsusuot ng face mask, physical distancing, ugaliing linisin at i-disinfect ang mga lugar na palaging hinahawakan, manatili sa bahay kung hindi maganda ang pakiraman at agad na magpasuri kung may mga sintomas tulad ng lagnat, ubo at hirap sa paghinga.
Una nang naglabas ng advisory ang Food and Drug Administration noong May kaugnay sa mapanlinlang na promosyon at marketing ng “Virus Shut Out” at iba pang disinfectant at biocide products na nagsasabing pumapatay ng viruses at bacteria.

Leave a Reply

%d bloggers like this: