GOOD NEWS! Presyo ng langis, posibleng bumaba

GOOD NEWS! Presyo ng langis, posibleng bumaba

MATAPOS ang ilang sunod na dagdag presyo, posibleng magpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.
Sa pagtaya ng mga nasa industriya, posibleng sa Setyembre 8 ay bumaba ang presyo ng kada litro ng diesel, kerosene at gasolina.
Sa pagtaya, maaring umabot sa 30 sentimos hanggang 40 sentimos ang bawas sa bawat litro ng gasolina; 40 sentimos hanggang 50 sentimos sa kada litro ng diesel at 50 sentimos hanggang 60 sentimos sa bawat litro ng kerosene.
Batay pa rin ito sa paggalaw g presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado at sa galaw ng demand para sa mga produkto.
Ang rollback ay sa kabila naman ng pagdami na rin ng mga sasakyan sa kalye kasunod ng pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.

Leave a Reply

%d bloggers like this: