Mananaya sa La Union, nag-uwi ng P49M sa Lotto Jackpot

Mananaya sa La Union, nag-uwi ng P49M sa Lotto Jackpot

ISANG mananaya mula sa San Fernando City, La Union ang naka-jackpot sa 6/42 Lotto draw.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ito ang unang jackpot winner simula nang muli nilang buksan ang operasyon ng Lotto noong Agosto.
Nakuha ng lone winner ang kombinasyon na 3-11-6-19-33-10 at iniuwi ang P49,707,326 jackpot prize.
Matatandaang pansamantalang itinigil ang PCSO gaming operations dahil sa ipinatutupad na community quarantine measures dulot ng COVID 19 pandemic.
Upang makuha ang premyo, kailangang magtungo ang jackpot winner sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City at ipresinta ang kanyang winning ticket kasama ng dalawang identification cards.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Tuesday, Thursday, at Saturday.

Leave a Reply

%d bloggers like this: