Meralco: Wala nang bill shock sa smart meters

Meralco: Wala nang bill shock sa smart meters

TINIYAK ng Meralco na malaki ang maitutulong ng paggamit ng Smart meters upang maiwasan na ang bill shock sa konsumo sa kuryente.
Sa pamamagitan ng “smart meters”, makikita agad ang aktwal na konsumo sa halip na hintayin pa ang taga-basa ng metro para malaman kung magkano ang sisingiilin sa konsumer kada buwan.
Iginiit ng Meralco, hindi mangyayari ang bill shock o biglaang pagtaas ng Meralco bill na naranasan ng ilan nang isailalim sa mahigpit na lockdown ang Metro Manila mula Mayo hanggang Hunyo.
“Maiiwasan ‘yong mga instances na kailangan mong mag-estimate kasi ‘di na kinakailangan ng manual reading ng meter reader ‘pag naka-smart meter,” saad ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga.
Sa record, noon pang 2017 nag-apply sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco para kabitan ng smart meters ang nasa 1 milyong kliyente.
Ayon sa Meralco, walang babayaran ang customer sa pagpapakabit ng smart meter sakaling maaprubahan ito.
Pero pinag-aaralan pa ng ERC ang panukala dahil nabatid na sa consumer din pala ipapasa ang halaga ng metro.
Ipinaliwanag ni ERC Commissioner Rexie Baldo-Digal, babawiin din kasi ng Meralco ang singil sa distribution charge pati na ang mga imprastraktura at mga gamit na kailangan para gumana ang mga smart meter, kahit na sabihin pang libre ito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: