Metro Manila Subway project lilikha ng 59K trabaho

Metro Manila Subway project lilikha ng 59K trabaho

SA kabila ng pandemya, tuloy ang pagtatayo ng pamahalaan ng Metro Manila Subway na inaasahan na lilikha ng 59,000 trabaho para sa mga Pilipino.

Kamakailan, ipinasilid na ng Department of Transportation (DOTr) sa Japan ang dalawang boring machines na nagkakahalaga ng hanggang P12 bilyon na gagamitin sa pagkuhay ng tunnel.

Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nasa 9,000 slots ang magiging direct hiring habang nasa 50,000 trabaho naman ang para sa ‘indirect employment’ o iyong mga dadaan sa mga manpower companies.

Nagkakahalaga ang proyekto ng higit P355 bilyon na tiniyak na magiging ‘flood prone’ umano kahit taun-taon ay nalulubog sa baha ang Metro Manila.

Sa kabila ng pagkakabinbin dahil sa pandemya, iginiit ni Tugade na kaya pa rin nilang maabot ang ‘partial operations’ sa pagtatapos ng 2021 habang ang ‘full operation’ nito ay maaarig mag-umpisa sa 2024 o 2025 na.

Inaasahan na mapapabilis ng subway system ang biyahe mula Valenzuela depot hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng hanggang 45 minuto lamang.

Magkakaroon ito ng 17 istasyon kabilang ang terminal station sa NAIA Terminal 3.

Leave a Reply

%d bloggers like this: