P389 Milyong budget sa ‘white sand’ katumbas ng 13K ekatarya ng mangrove

P389 Milyong budget sa ‘white sand’ katumbas ng 13K ekatarya ng mangrove

MAGIGING katumbas na umano ng 13,000 libong ektarya ng mangrove forest ang ‘white sand’ na ibinubuhos ngayon sa baybayin ng Manila Bay kung dito ginamit ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) ang pondong P389 milyon.

Sinabi ng grupong Pamalakaya na mas may halaga ang naturang pondo kung pinagtuunan ng DENR ang pagbuhay sa ‘marine ecosystem at biodiversity’ ng Manila Bay kaysa sa pagpapaganda.

“Compared to the baloney ‘white sand’ project along the 500-meter baywalk, mangroves serve many important purposes to marine environment and coastal communities,” ayon kay Pamalakaya national chairperson Fernando Hicap.

Kung mangrove forest umano ang inuna, magsisilbi itong depensa ng Metro Manila laban sa malalakas na alon, baha, magiging ‘sediment trap’ at makakadagdag sa mga pagbuhay sa mga pagkaing-dagat.

“Instead of a transformative and sustainable environmental intervention, the DENR is more invested in cosmetic surgery,” giit ni Hicap.

Panahon na umano na mapalitan ang libo-libong ektaryang mangrove forest na nawasak dahil sa mga ‘reclamation projects’ na ginawa ng pamahalaan para sa industriya.

Mula 54,000 ektaryang bakawan noong 1995, nasa 500 ektarya na lamang ito na posibleng dahilan rin ng paglubog ng ibang lungsod na dati namang hindi binabaha.

Leave a Reply

%d bloggers like this: